Uraro Electrical Grinder, ipinagkaloob ng DOST sa Mongpong arrowroot growers

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatanggap ng uraro electrical grinder ang Mongpong Arrowroot Growers Association ng bayan ng Santa Cruz na ipinagkaloob sa kanila ng Department of Science and Technology (DOST). Ang pagkakataon na mabiyayaan ang nasabing asosasyon ng electrical grinder ay isang hakbang ng DOST upang matulungan ang mga kasapi nito na makagawa ng kanilang produkto sa madali at mabilis na pamamaraan. Ang produkto na kanilang ginagawa mula sa uraro ay cookies na isa sa mga pangunahing produkto ng Marinduque. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy…

Solar Energy System, ikinabit ng DOST sa isla ng Mongpong

SANTA CRUZ, Marinduque – Nabiyayaan ng solar energy system ang iba’t-ibang lugar sa isla ng Mongpong, Santa Cruz na ibinigay ng Department of Science and Technology (DOST)-Marinduque. Ang mga pampublikong gusali na binigyan ng solar energy system ay ang Mongpong National High School, Mongpong Barangay Hall at Barangay Center. Ayon kay Miguelito Ricaplaza, malaki ang maitutulong ng solar energy system sa paaralan upang mas mapahaba pa nila ang pagkakataon na makagamit ng computers at projectors para sa pagtuturo nila sa mga mag-aaral. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us…

Miss Earth beauty queens, nakiisa sa pagtatanim ng corals sa Maniwaya

SANTA CRUZ, Marinduque – Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaisa ang lokal na pamahalaan ng Santa Cruz at Conservation of Ocean Resources and Aquatic Life (CORAL) na magtanim ng mga coral, kaagapay ang kasalukuyang Miss Earth beauty queens sa isla ng Maniwaya. Ang mga binibini na sina Miss Philippines – Water 2017, Jessica Marasigan at Miss Philippines – Air 2017, Kim De Guzman ay nagpakita ng kanilang suporta sa kauna-unahang coral movement na ito na naglalayong maibalik ang ganda ng coral reefs sa Pilipinas. Ang nasabing grupo ay isang non-stock, non-profit,…

Ms. Earth 2017 at iba pang beauty queens, bibisita sa Marinduque

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatakdang bumisita sa Marinduque si Ms. Earth 2017 Karen Ibasco, kasama ang iba pang reigning beauty queens ng Ms. Earth ngayong Abril 17 at 22, 2018. Sa Martes, Abril 17, ganap na ika-6:00 ng umaga ay magkakaroon ng ground breaking ceremony ng Conservation of Ocean Resources and Aquatic Life (CORAL) sa Maniwaya Island, Santa Cruz. Pagkatapos, ito ay susundan ng motorcade parade sa town plaza ng naturang bayan. Makakasama ni Ibasco sina Ms. Philippines Eco Tourism Vanessa Castillo at Ms. Philippines Fire 2017  Nelza Bautista. #MakeADifference: Kabayan,…

Bokal Aguirre, nilinaw ang isyu sa pagitan nila ni Mayor Red

SANTA CRUZ, Marinduque – Nilinaw ni 2nd District Board Member Amelia Aguirre ang mga paratang ng isang fake blogsite tungkol sa isyu nila ni Santa Cruz Mayor Marissa Red na may kaugnayan din sa pagde-develop ng Santa Cruz Public Market. Ayon sa pahayag ni Aguirre, “Ilang araw po bago ang Semana Santa, isang Facebook Account, Balitang Marinduque na may website na balitangmarinduque.com, ang nagpost ng pictures namin ni Mayor Marissa Red at pinapalabas na tila kami ay nag-aaway. Pinapalabas na ako’y nagbitiw ng hindi magandang mga salita laban kay Mayor…