10 arestado sa ilegal na pangingisda sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Arestado ang 10 mangingisda kasama na ang isang 74 year old na lolo matapos ang isinagawang operasyon laban sa iligal na pangingisda ng mga otoridad sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque. Kinilala ni Police Superintendent Imelda V. Tolentino, Public Information Office chief ng Police Regional Office-Mimaropa (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), ang mga nadakip na sina Danilo R. Estrella, 53; Reynaldo P. Cadalin, 49; Efren P. Rosales, 38; Romulo D. Pastoral, 43; Leopoldo G. Palmero, 74; Francisco R. Estrella, 52; Nicolas P. Recto, 58;…

Pagpapalakas ng pananaliksik sa MSC, may hatid pag-unlad sa Marinduque

SANTA CRUZ, Marinduque – Sa isinagawang 1st General Consultative Conference of Baybayin ng Marinduque State College (MSC) sa Carmen Eco-Tourism Park, Tamayo, Santa Cruz, Marinduque, sinabi ni Dr. Randy Nobleza, propesor ng MSC na malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng lalawigan. Ayon kay Nobleza, makakamit ang pag-unlad ng Marinduque kung malalaman nito ang lakas at kakayahan ng bawat bayan ng lalawigan lalo na sa larangan ng edukasyon. “Dahil 2017 ngayon na [ipinagdiriwang ang] ika-65 pagkakatatag ng eskwelahan na ito, simula sa pagiging School of Arts and Trade na naging…

Baybayin, magsasagawa ng ugnayan sa pananaliksik sa Marinduque

Nakatakdang isagawa ng Baybayin, isang open access na peer-reviewed journal at tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga ninuno, Oktubre 12-14 sa Provincial Tourism and Agriculture Development Center, Tamayo, Santa Cruz, Marinduque ang 1st Baybayin Conference on Southern Tagalog na may paksang “Ugnayan ng mga Adyenda sa Pananaliksik ng mga SUC at HEI sa Calabarzon at Mimaropa.” Layunin ng kumperensya na palakasin at paramihin ang mga mananaliksik sa rehiyon ng Southern Tagalog. Sinabi ni Dr. Randy Nobleza, conference convener, “Sa puso ng kapuluan idaraos ang kauna-unahang konsultatibong kumperensya sapagkat…

Tulay sa bayan ng Santa Cruz, bigyan naman kahit konting awa

Kagaya ng awitin ni Nora Aunor na may pamagat na “Kahit Konting Awa”, nagtatanong ang mga residente sa tatlong barangay sa bayan ng Santa Cruz kung sino baga talaga ang mapalad? Sino baga talaga ang kaawa-awa? Ang mga namumuno ba sa pamahalaan na napanis na ang laway sa kapapangako o ang mga mamamayan at mga estudyante  na nagpapakahirap tumawid sa sirang tulay na dekada na nilang pinagtitiisan at pinoproblema? “Kalbaryo para sa mga mag aaral, perwisyo sa mga mamamayan”. Iyan ang madalas na marinig na mga reklamo at mabasa sa…

4Ps beneficiaries sa bayan ng Santa Cruz, tumanggap ng P14-M cash grant

Nagtipun-tipon ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Multipurpose Hall, bayan ng Santa Cruz, Marinduque kamakailan. Ito ay matapos magpalabas ng mahigit P14 milyon na conditional cash grant ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 55 barangay ng nasabing bayan. Sa tulong ng Marinduque Social Action Multipurpose Cooperative (MASAMCO) na nagsisilbing isa sa mga kabahagi ng Landbank of the Philippines (LBP), kabuuang P14,218,300.00 ang ipinamahagi sa panahon ng payout; P9,031,800.00 mula sa unang payout ng taong 2017 (Pebrero-Marso) at P5,186,500.00 mula sa ikalawang payout…