16 na bading sa Marinduque, nagpatalbugan sa beauty pageant

Nagpatalbugan ang 16 na bading upang sungkitin ang karangalang maging ‘Ms. Gay Marinduque 2017’ sa ginanap na pageant sa pinabonggang stage ng Santa Cruz Municipal Plaza sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque. Maraming taong sumaksi, humalakhak at pumalakpak habang nagpapakilala ang 16 na kalahok sa paligsahang itinaguyod ng Gaylas, isang samahan ng mga homosexuals sa pangunguna ni Kagawad Jamer Revilla na may layuning i-angat ang pagtingin ng mga mamamayan sa sektor ng LGBT o lesbian, gay, bisexual and transgender at upang ipagdiwang ang taunang ‘gender equality program’. Tulad ng karaniwang…

Marinduqueno, kasama sa 14 na Pinoy crew na nawawala sa lumubog na barko sa Atlantic Ocean

SANTA CRUZ, Marinduque – Isa ang seaman na si Rodel Oblipias, 29 taong gulang, tubong Lapu-lapu, Santa Cruz, Marinduque sa labing-apat na tripulanteng Pinoy na una ng napaulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean. Ikinasa na ang search and rescue mission ng Urugua­yan Navy at Brazil authorities upang mailigtas ang 14 Pinoy. Ayon sa Uruguay Navy, dalawa ang nasagip matapos ang umano’y paglubog ng barkong Stella Daisy, isang malaking Marshall Islands flagged carrier na may kapasidad na magkarga ng may 260,000 tonelada.…

Sapat na biyahe ng barko sa Marinduque ngayong Semana Santa, tiniyak ni Velasco

Sa pagsisimula ng mahal na araw at bilang paghahanda sa nalalapit na Moriones Festival, nakipagpulong si Marinduque Congressman Lord Allan Jay Q. Velasco sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Marso 15. Sa Facebook page ni Velasco, makikitang nakipagmeeting ang mambabatas kina Maritime Industry Authority (Marina) administrator Marcial Amaro, Montenegro Shipping Lines Operations Manager Dennis Berania at Appropriations Vice Chairman Mark Aeron Sambar upang tiyakin na ligtas at sapat ang bilang ng mga bibiyaheng barko sa Marinduque ngayong Semanta Santa. Ayon kay Velasco “Montenegro Shipping Lines committed to provide more ferries and…

57th RDC Full Council Meeting in Marinduque

The provincial government of Marinduque hosted the 57th RDC full council meeting held on 13 December 2016 in Boac. Mimaropa RDC Chairman and Palawan Governor Jose C. Alvarez presided the meeting which was attended by Marinduque Governor Carmencita O. Reyes, Marinduque Vice Governor Romulo A. Bacorro, Jr., Mayor Roberto Madla of Boac, Marinduque, Mayor Marissa Martinez of Sta. Cruz, Marinduque, directors and representatives of regional line agencies, local government units, private sector representatives, and state universities and colleges. The provision of technical assistance of Palawan to the provincial government of…

Isang delivery boy, nagbigti-patay sa Santa Cruz

Isang delivery boy ang nagbigti gamit ang lubid sa Barangay Lipa, Santa Cruz, Marinduque. Kinilala ang biktima sa alyas na Ison, 21 taong gulang at residente ng nabanggit na lugar. Ayon kay Dr. Tito Rejano, nagsagawa ng medico legal examinaation, bandang alas 8:30 ng umaga nang rumesponde sila kasama ang Santa Cruz PNP sa pangunguna nina Police Officers Bill Pernia at Dennis Ricohermoso sa bahay ng biktima. Dagdag pa ni Rejano, ito ang pangalawang pagkakataon na may nagpakamatay sa bayan ng Santa Cruz ngayong taong 2017. Samantala, hindi naman malinaw…