Ginang sa barangay Banahaw, Santa Cruz nagbigti

SANTA CRUZ, Marinduque – Winakasan ng isang ginang ang kaniyang buhay matapos itong magbigti sa barangay Banahaw, Santa Cruz, Marinduque. Kinilala ang biktima na si Angenette Padilla-Bombon, 36 taong gulang, biyuda, may tatlong anak at naninirahan sa nabanggit na lugar. Ayon sa Facebook post ni Dr. Tito Rejano, nagsagawa ng medico legal examination, ilang araw na umanong hindi nakakatulog ng maayos ang biktima sanhi ng kawalan ng trabaho.

Look: Higanteng Christmas Tree sa Bayan ng Sta. Cruz

STA. CRUZ, Marinduque – Masisilayan na ang higanteng Christmas Tree sa bayan ng Sta. Cruz, Marinduque. Ito ay nakatayo malapit sa pamilihang bayan ng Sta. Cruz. Ang White Christmas Tree na ito ay yari sa mga recycled materials kagaya ng platic bottles at iba pa na pininturahan ng mga kulay puti, gold at silver. Inaasahan na lalagyan pa ito ng mga ilaw sa susunod na mga araw na siyang lalong magpapaganda dito.

Sta. Cruz holds Stakeholders Forum on River Rehabilitation and Environmental Protection

STA. CRUZ, Marinduque – Executive Director Ramil Tan of the Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) speaks at the “Stakeholders Forum on River Rehabilitation and Environmental Protection” which was organized by the local government of the Province of Marinduque. Tan is joined by Municipality of Sta. Cruz Councilor Krenessa Constantino and Engr. Reynaldo Reynaldo of EcoGlobal Foundation where together, they discussed about the maintenance and sustainability of environmental projects such as the rehabilitation of the waterways being done by the PRRC in the Pasig River system as well as the possibility of…

Sta. Cruz-PNP, nakiisa sa Coastal Clean Up sa Brgy. Kamandugan

Nakiisa ang mga miyembro ng Philippine National Police – Sta. Cruz sa isinagawang Coastal Clean Up sa barangay Kamandugan, bayan ng Sta. Cruz, Marinduque kaninang umaga, Nobyembre 23. Ang gawain ay bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybaying dagat gayundin ang pagdedeklara bilang ‘drug free community’ ng nasabing barangay. Photo courtesy of Sta. Cruz-PNP

Bahagi ng Malindig Institute sa bayan ng Sta. Cruz, nasunog

STA. CRUZ, Marinduque – Tinupok ng apoy ang bahagi ng Malindig Institute sa Sta. Cruz, Marinduque. Ayon sa report nagsimula ang sunog bago mag-alas dose kaninang madaling araw, Nobyembre 6 sa nasabing eskwelahan na matatagpuan sa Osmena Street, barangay Lapu-Lapu, Santa Cruz, Marinduque. Nakatanggap umano ng report ang Bureau of Fire Protection-Sta. Cruz na nasusunog ang paaralan bandang alas-12:30 kaninang umaga. Agad namang rumesponde ang BFP Sta. Cruz kasama ang Sta. Cruz MDRRM Rescue and Fire Volunteers. Sa laki ng apoy kinailangan pa ang tulong ng BFP Torrijos, BFP Mogpog…