History quiz bee, isasabay sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa

Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-117 na Labanan sa Pulang Lupa ay magsasagawa ang pamahalaang bayan ng Torrijos ng isang quiz bee tungkol sa nasyonal at lokal na kasaysayan ng Pilipinas. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa mga mag-aaral na nasa elementarya na nasasakupan ng distrito ng Torrijos. Para naman sa mga estudyante na nasa sekondarya, bawat eskwelahan sa buong probinsya ay maaaring magpadala ng kanilang panlaban na binubuo ng dalawang mag-aaral. Pitumpong porsyento ang nakalaan para sa kasaysayan at kasarinlan ng Pilipinas at 30% naman para sa…

Kaso ng pagpatay sa dalagita sa Torrijos, sisiyasatin ng Soco

Madalas nagiging pambato ng kanilang barangay sa bayan ng Torrijos, Marinduque sa mga beauty contest ang 16-anyos na si Rica Mae Ordillano. Dahil sa taglay na ganda at talino, lubos na hinahangaan ng madla ang dalaga. Kahit marami ang nagkakagusto kay Rica Mae, isa lang raw ang napusuan ng dalaga, ang 18-taong gulang na si Jayven Apostol. Sa loob ng mahigit dalawang buwan, madalas magkita ang dalawa. Bagaman masaya ang pagsasama ng dalawa, itinago raw nila ang kanilang relasyon sa mga magulang ni Rica Mae. Pero sa gitna ng pagsasama…

DAR opens Farm Business School in Marinduque

The Department of Agrarian Reform (DAR) and the local government of Torrijos recently opened a Farm Business School (FBS) in Barangay Sibuyao, Torrijos to empower the farmers in this community. Senior Agrarian Reform Program Officer Estela Laylay, lead facilitator of the project, said FBS would run up to 25 sessions and in between the sessions will be field on-site application. FBS aims to teach the participants different farming methods, create market linkages and increase their capability in farm business management to boost their income. Aside from farmers, enrolees were composed…

Tula ng batang Marinduqueno para kay Pres. Duterte viral sa social media

Marami ang natuwa at humangang netizen sa viral na video ng isang munting bata kung saan makikita at maririnig na inaalayan nito ng madamdaming tula ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakasukbit sa tagiliran nito ang isang mahabang itak. Ang bata na tinaguriang munting makata ng bayan ay si Jay Alexis Fabrero, magwawalong taong gulang sa darating na Agosto 6 ay bunso sa pitong magkakapatid, isinilang at kasalukuyang naninirahan sa sitio Apartahan, barangay Tigwi, bayan ng Torrijos, Marinduque. Kwento ng kapatid ni Alexis na si Sheryl sa Marinduque News,…

Ilang estudyante, guro sa Tigwi Nat’l HS sa bayan ng Torrijos, hindi nakapasok sa klase

Hindi nakapasok ang ilang mag-aaral at guro ng Tigwi National High School (TNHS) sa Barangay Tigwi, Torrijos, Marinduque kaninang umaga, Hulyo 11. Tumaas kasi ang tubig-baha sa ilog na tinatawiran ng mga mag-aaral, guro at ilang residente sa naturang lugar sanhi ng malakas na buhos ng ulan simula pa kagabi. Malaki rin ang resulta ng mga nakaharang na debris sa mabagal na paghupa ng tubig sa ilog. Matatandaan na sa kasalukuyan ay patuloy pa ring ginagawa ang konstruksyon ng tulay sa nasabing lugar. Read also: Pinabayaang proyektong tulay sa bayan ng…