Prov’l Veterinary Office, pinaigting ang Rabies Awareness Campaign sa bayan ng Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Sa patuloy na pagpapaigting ng Provincial Veterinary Office (PVet) ng Rabies Awareness Campaign, namahagi ang mga beterinaryo ng lalawigan ng Marinduque ng mga campaign materials ukol sa Anti-Rabies Act (RA 9482) and Its Implementing Rules and Regulations (IRR) Book sa lahat ng kapitan ng barangay sa bayan ng Torrijos. Hangad ng RA 9482 na ipaalala sa mga pet owners kung ano ang kanilang mga responsibilidad sa pagkupkop sa kanilang mga hayop na inaalagaan. Binigyang diin din ng PVet Office sa pangunguna ni Dr. JM Victoria sa mga…

Hand tractors, ipinagkaloob sa 7 barangay sa bayan ng Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Ang pamahalaang bayan ng Torrijos sa ilalim ng programa ng Bottoms Up Budgeting (BUB) ay nagkaloob ng pitong ‘hand tractors’ sa mga magsasaka nitong Oktubre 24, 2016. Ang mga barangay na nakatanggap ng ‘hand tractors’ ay ang Marlanga, Mabuhay, Poctoy, Malinao, Cabuyo, Kayduke at Bonliw. Pinangunahan ni Mayor Lorna Velasco ang simpleng seremonya na dinaluhan ng mga kawani mula sa Department of Agriculture. Sinaksihan din ng ilang opisyal ng pamahalaang bayan at mga punong barangay ang ‘turn over ceremony’.

In Loving Memory of Former Mayor Gil R. Briones

TORRIJOS, Marinduque – The entire Torrijoseño community is in great sadness and grief over the death of Former Mayor and Sangguniang Bayan Member Gil Reginio Briones. Briones, 72 died in a tragic accident after his motorcycle was hit by a passenger bus on October 6, 2016. SB Member Gil R. Briones has brought pride and honor to all Torrijoseños by serving in the barangay as punong barangay of Poblacion, the offices of the legislative as sangguniang bayan member and vice mayor and the executive as mayor of the municipal government…

Ex-mayor Briones patay, sa banggaan ng motor at bus sa Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Idineklarang wala nang buhay ang dating mayor at ngayo’y konsehal ng bayan ng Torrijos, Marinduque na si Coun. Gil Briones ito ay matapos na mabangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng isang pampasaherong bus bandang alas-6:40 ngayong umaga, Oktubre 6, 2016. Ayon sa panayam ng Marinduque News Online kay Police Inspector Mikhail Gennadi Valeroso, Officer in Charge ng Torrijos Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa tapat ng sementeryo ng nasabing bayan. Bumisita diumano ang ex-mayor sa puntod ng asawa nito at noong pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo…