Gov. Reyes at Mayor Velasco, magkasama sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa

TORRIJOS, Marinduque – Magkatabing naupo si Gov. Carmencita O. Reyes at Mayor Lorna Q. Velasco bago isagawa ang pag-aalay ng bulaklak (wreath laying) sa bantayog ni Gat. Jose Rizal. Ang pag-aalay ng bulaklak ay bahagi ng programa sa pagdiriwang ng ika-116 Anibersaryo ng Laban sa Pulang Lupa na ginugunita ngayong araw, Setyembre 13, 2016 sa bayan ng Torrijos. Photo by Reijohn M. Rioflorido

Estudyante mula Makapuyat Nat’l HS, kampeon sa province-wide ‘History Quiz Bee’

TORRIJOS, Marinduque – Kampeon sa taunang province-wide History Quiz Bee – Secondary Level category si Erraine Jamilla, mag-aaral mula sa Makapuyat National High School – Sta. Cruz. Naiuwi naman ng mga kalahok mula sa Torrijos at Gasan ang sumunod na mga parangal. Ang paligsahan na isinagawa sa plaza ng bayan ng Torrijos ay naglalayong hikayatin at linangin pang lalo ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman patungkol sa kasaysayan. Ang gawain ay dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula sa anim na bayan ng lalawigan. Bahagi pa rin ito ng ika-116 Anibersaryo ng Laban…

22nd Provincial Scout Jamborette sa Torrijos, pormal nang sinimulan

TORRIJOS, Marinduque – Pormal nang binuksan at sinimulan ang 22nd Provincial Scout Jamborette ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) – Marinduque Council na may temang “Growth and Stability” nitong Sabado, Setyembre 10 sa Poblacion, Torrijos, Marinduque. Inilaan ng lokal na pamahalaan ng Torrijos bilang host town ang Torrijos Central School para maging camp site ng mga cub scouts, boy scouts, senior scouts, female scouts, at scout leaders. Ang mga lumahok ay mula sa anim na bayan ng Marinduque – Boac, Buenavista, Gasan, Mogpog, Sta. Cruz at Torrijos. Sinimulan ang…

Fun Run at Zumba Workout, isinagawa sa Torrijos

By Reijohn R. Mendones, Contributor TORRIJOS, Marinduque – Nagsagawa ng Fun Run at Zumba Fitness Workout sa bayan ng Torrijos, Marinduque noong ika-7 ng Setyembre 2016 bilang paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng Labanan sa Pulang Lupa sa darating ika-13 ng Setyembre gayundin ng 116th Philippine Civil Service Anniversary. Ang nasabing gawain na pinangunahan ni Mayor Lorna Velasco ay dinaluhan ng mga opisyales, kawani ng pamahalaang bayan at mga barangay officials. Naging masaya naman ang lahat sapagkat paraan din umano ito upang ingatan ang katawan at kalusugan. About the Author: Reijohn…

Aksidente sa motor, sa bayan ng Torrijos

By Reijohn R. Mendones, Contributor TORRIJOS, Marinduque – Isa na namang aksidente sa motor ang naitala nitong Linggo, ika 4 ng Setyembre sa bayan ng Torrijos, Marinduque. Nangyari ang insidente ganap na alas 4:00 ng hapon sa kahabaan ng Kalye Rizal sa Barangay Poblacion. Kinilala ang mga biktima na sina Richard Ampeloquio at Jane Fatalla Frias, pawang mga residente ng nasabing bayan. Nasa maayos na kondisyon na ang dalawa. About the Author: Reijohn R. Mendones is a contributor in Marinduque News Online. He is based in Torrijos, Marinduque and currently working as…