Magnitude 2.0 na lindol, naitala sa Boac

BOAC, Marinduque — Isang magnitude 2.0 na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa bayan ng Boac, Marinduque nitong Miyerkules, Oktubre 29, ganap na 1:39 ng hapon.

Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng pagyanig sa 21 kilometro timog-kanluran ng Boac (13.34° Hilaga, 121.69° Silangan). May lalim na 7 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.

Walang inaasahang pinsala o aftershocks kasunod ng naturang pagyanig. Sa kabila nito, pinaalalahanan pa rin ng mga awtoridad ang publiko na manatiling mapagmatyag at alamin ang mga tamang hakbang kapag may lindol.

Matatandaan na naramdaman din ang 1.8 magnitude na lindol sa nasabing bayan nitong Oktubre 27. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!