BOAC, Marinduque — Umabot na sa 132 ang bilang ng mga nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus o HIV sa lalawigan ng Marinduque base sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (PHO).
Ayon kay Engr. Michael Laylay, HIV/AIDS Coordinator ng PHO ang naturang bilang ay naitala simula 1995 hanggang sa kasalukuyang taon kung saan nito lamang Enero hanggang Marso 2025 ay mayroon nang pitong bagong kaso ng HIV sa probinsya, anim dito ay mga babae at 126 ang lalaki.
Dagdag ni Laylay, ang 29 na kaso ay mga lalaki nagkaroon ng sakit dahil sa pakikipagtalik sa babae at lalaki, 81 ay lalaki sa lalaki, 19 male-female sex, isang ina na nagpapasuso ng bata, at ang dalawa ay hindi pa matiyak kung saan nagmula.
Aniya, sa ngayon ay hindi na nila alam kung nasaan na ang nasabing mga pasyente kaya paalala ng PHO HIV/AIDS coordinator, mag-ingat para hindi makahawa at mahawa gayundin sanayin ang safe sex method.
Samantala, lumabas sa talaan na 15 taong gulang ang pinakabata na nahawahan ng sakit na may kabuuang bilang na walo kung saan pito rito ay naitala noong 1995 hanggang sa kasalukuyang taon habang isa ang naitala nitong Enero hanggang Marso 2025. — Marinduquenews.com
NOTE: Photo is a stock image from WebMD – Common HIV rashes used for demonstration purposes only.