MOGPOG, Marinduque — Muling nagbabalik ang biyahe ng fastcraft patungong Marinduque matapos itong opisyal na maglayag nitong Biyernes, Oktubre 31 sa Talao-Talao Port, Lucena City at Balanacan Port sa bayan ng Mogpog, Marinduque
Ayon sa panayam ng Marinduque News sa staff ng Montenegro Shipping Lines (MSL), araw-araw na ang magiging operasyon ng naturang fastcraft. Aabutin lamang ng humigit-kumulang 1 oras at 45 minuto ang biyahe sa dagat—mas mabilis kumpara sa regular na mga barko na karaniwang bumibiyahe nang dalawa’t kalahati hanggang tatlong oras.
Narito ang schedule ng fastcraft:
UMAGA
🕖 7:00 AM – Balanacan Port → Talao-Talao Port
🕙 10:00 AM – Talao-Talao Port → Balanacan Port
HAPON
🕐 1:00 PM – Balanacan Port → Talao-Talao Port
🕓 4:00 PM – Talao-Talao Port → Balanacan Port
Samantala, narito ang presyo ng pamasahe sa fastcraft ng MSL:
₱572 – Regular
₱485 – Student
₱407 – Senior Citizen
₱336 – Bata (3–7 taong gulang)
Ang pagbabalik ng fastcraft service ay nagdulot ng tuwa sa mga biyahero at lokal na negosyante dahil sa mas mabilis at maginhawang paglalakbay papunta at palabas ng Marinduque.
“Malaking tulong ito lalo na sa mga uuwi at sa mga turista. Mas mabilis, mas maayos, at mas convenient,” ayon sa isang pasahero.
Inaasahang makatutulong ang pagbabalik ng biyahe ng Montenegro fastcraft sa pagpapaigting ng turismo at kalakalan sa probinsya. — Marinduquenews.com