Sa huling provincial sortie ni Kiko Pangilinan ay nagtungo siya sa kanyang maternal hometown sa bayan ng Boac lalawigan ng Marinduque para sa isang live radio guesting sa Radyo Natin, Boac gayundin upang makasama ang kanyang mga mahal na kababayang Marinduqueno. Pagkatapos ng interview ay nagtungo si Kiko sa ancestral house ng mga Nepomuceno kung saan ay parang nagkaroon ng instant family reunion ang mag-anak. Bago tumulak papuntang Aklan si Pangilinan ay bumisita muna siya sa Provincial Capitol ng Marinduque para sa isang courtesy call kay Gov. Carmencita Reyes. Mainit…
Tag: Halalan 2016
Pagbisita ni Duterte sa Marinduque ngayong araw, kasado na
Bibisita ngayong araw, Huwebes, Mayo 5, 2016 si Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa lalawigan ng Marinduque. Ang Presidential Campaign Rally ay gaganapin sa People’s Park formerly Guingona Park sa Gasan, Marinduque sa ganap na ika-isa ng hapon. Matatandaan na una ng inanunsyo na sa Marinduque State College Oval, Boac, Marinduque idaraos ang nasabing pagtitipon subalit hindi ito natuloy matapos ‘di umano aprobahan ng *MSC Board of Trustees ang kahilingan ng mga organizers. Inaasahan na magdaragdag ng kasiyahan sa naturang event ang mga susunod na performers: Takerz Band, Damorions, Gilinggiting, Moymoy Palaboy, K Brosas, Freddie Aguilar and Chocolate…