Poe-Robredo, nanguna sa Marinduque

Sa kabila ng pagbisita at paglaan ng huling sortie ni President-Elect Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Marinduque ay lumabas sa isinagawang pag-aaral ng GMA News Research na ang ibinoto ng nakararaming Marinduqueno sa pagkapangulo ay si Sen. Grace Poe samantalang si Cong. Leni Robredo naman sa pagkabise -presidente. Sa Marinduque ay nakakuha si Poe ng botong 45,125 at 40,598 naman ang nakuha ni Robredo. Maliban sa Marinduque, nanguna rin ang tambalang Poe-Robredo sa mga probinsya ng Camarines Norte, Catanduanes, Oriental Mindoro at Quezon.

Sino ngani baga si Juan, isang sanaysay

Ito si Juan. Kilala bilang isang masugid na tagasubaybay ng mga isyung pulitikal sa kaniyang Inang lalawigan ng Marinduque, hindi niya pinalalampas ang anumang bagay na patungkol sa mga naglalakihang angkan ng dugong buwaya este maharlika sa kaniyang bayan; ang mga Yeser, Zoracel, Marsiento at marami pang iba. Sa kaniyang murang edad, namulat siya sa mapang-aliping angkan na nakaluklok sa pedestal ng kapitolyo at ilang dekada nang nanunungkulan – ang mga lahing Yeser. Ayon sa kasaysayan, bago pa man marating ng mga Yeser ang tugatog ng tagumpay, mahigpit nilang kinalaban…