TORRIJOS, Marinduque — Niyanig ng magnitude 2.3 na lindol ang probinsya ng Marinduque partikular ang bayan ng Torrijos, umaga ng Linggo, Hunyo 15.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol, at may lalim na 16 kilometro.
Tumama ito 3:46 ng madaling araw, kung saan ang epicenter ay naitala 19 kilometro timog silangan ng Torrijos.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks. — Marinduquenews.com