Abandonadong Marcopper mining sites, delikado na sa publiko -DOH

Matapos mag-inspeksyon ang Mines and Geosciences Bureau, itinuturing naman ngayon ng Department of Health na delikado na sa publiko ang abandonadong Marcopper Mining Corporation minesites sa lalawigan ng Marinduque. Ayon kay Mimaropa regional health director Eduardo Janairo, naging basehan nito ang iniulat ng mga local officials na leaks o tagas sa isa mga dam ng minahan. Batay sa 1996 report ng United State Geological Survey, tinukoy nito ang Makulapnit at Marcopper’s Maguilaguila Water Dam na parehong nasa state of imminent danger of collapsing. Janairo: Delikadong delikado lalo’t marami nang infrastructures…