Sa pagganap nina Elizabeth Oropesa, Buboy Villar, Andrea Del Rosario at Lancer Serrano.
Laki sa lola ang kambal na sina Rodalyn at Rogelyn. Pumanaw ang kanilang ina habang ipinapanganak niya noon ang kambal. Mula noon, ang lola nilang si Eulogia na ang tumayong magulang nina Rodalyn at Rogelyn.
Tahimik na namuhay sa bayan ng Torrijos, Marinduque ang maglolola. Wala silang kaaway at maayos ang pakikitungo sa ibang tao. Kaya nakapagtatakang sinapit nila ang karumal-dumal na krimen.
Bisperas ng bagong taon noong ika-31 ng Disyembre 2002, humantong ang tatlo sa malagim na katapusan. Tinadtad ng saksak ang iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na naging sanhi ng kanilang pagkamatay. At ang isa sa mga kambal na si Rodalyn, positibo ring ginahasa.
Hindi naging madali para sa mga otoridad ang pagtukoy sa responsable sa masaker. Ilang tao ang naging “persons of interest” kabilang na ang kaanak ng mga biktima. Hanggang unti-unting lumutang at napagtagni-tagni ang mga saksi at ebidensiya. Ano ang ilalantad ng mga ito kaugnay sa kaso?
‘Huwag palampasin ang tinaguriang “MARINDUQUE MASSACRE” sa Imbestigador ngayong Sabado, July 30 sa GMA.
Source and courtesy: GMA News Online