Solar Energy System, ikinabit ng DOST sa isla ng Mongpong

SANTA CRUZ, Marinduque – Nabiyayaan ng solar energy system ang iba’t-ibang lugar sa isla ng Mongpong, Santa Cruz na ibinigay ng Department of Science and Technology (DOST)-Marinduque.

Ang mga pampublikong gusali na binigyan ng solar energy system ay ang Mongpong National High School, Mongpong Barangay Hall at Barangay Center.

Ayon kay Miguelito Ricaplaza, malaki ang maitutulong ng solar energy system sa paaralan upang mas mapahaba pa nila ang pagkakataon na makagamit ng computers at projectors para sa pagtuturo nila sa mga mag-aaral.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

“Dati nagagamit lang nila ang mga computers ng 3-5pm, ngayon 8am-5 pm na,” pahayag ni Ricaplaza.

Para sa DOST, malaki ang maitutulong ng mga solar energy system sa mga mamamayan ng isla lalo na at ginagawa nilang evacuation center ang kanilang barangay hall sa panahon ng kalamidad.

May kabuuang 4,000 watts ang mga solar energy systems na makapagbibigay ng sapat na suplay ng kuryente sa paaralan, barangay hall, health center at arrowroot flour processing center ng nasabing barangay. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!