Mas pinagandang Marinduque Airport, bubuksan ngayong araw

GASAN, Marinduque – Dumating na ang pinakahihintay ng mga taga-Marinduque. Bubuksan na ngayong umaga, Abril 11 ang mas pinaganda at mas pinaayos na Marinduque Airport. Noon, natenggang wasak ang Passenger Terminal Building (PTB) ng paliparan. Taong 2013 nang matigil ang operasyon nito. Matagal na panahon ding nanatiling maikli ang runway nito. Ngayon, matapos tahimik na tutukan ng DOTr-CAAP ang rehabilitasyon ng Marinduque Airport, naayos na ang sira-sirang PTB at nalagyan na rin ng aircon. Mayroon na ring x-ray machine sa paliparan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng seguridad dito.…

Bulag na pawikan, narescue sa Gasan

GASAN, Marinduque – Isang lalaking juvenile green sea turtle (Chelonia mydas) na putol ang kanang unahang palikpik at bulag ang isang mata ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Gasan nitong Miyerkules, Abril 10. Inilagak pansamantala ang nasabing buhay-ilang sa isang santuwaryong nakalaan para sa mga nasasagip na pawikan na nangangailangan ng agarang tulong medikal. Ayon kay Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian ng Marinduque, sisikapin ng kanilang tanggapan na mapanumbalik ang lakas at kalusugan ng nasagip na pawikan bago ito pakawalan sa kanyang natural na pamahayan.…