Walang pasok sa Mogpog sa Mayo 15

MOGPOG, Marinduque – Walang pasok sa Martes, Mayo 15 sa bayan ng Mogpog kasabay ng paggunita sa ika-211 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 486 na ibinaba ng Malakanyang nitong Biyernes, Mayo 11, 2018 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea. Base sa proklamasyon, nararapat lamang na mabigyan ng pagka­kataon ang Mogpogueno na makiisa sa paggunita at pagdiriwang ng Araw ng Mogpog. –Marinduquenews.com