#WalangPasok sa Hulyo 31 sa probinsya ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Martes, Hulyo 31 sapagkat ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-118 taong anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Paye na may paksang Diwa ng Paye: Malasakit sa Kasaysayan, Kapayapaan at Kalikasan. Ang Republic Act No. 9749 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque tuwing ika-31 ng Hulyo ng bawat taon. Base sa kautusan, kinikilala ng pamahalaan ang pagkapanalo ng mga kawal…

Read More