#WalangPasok sa Hulyo 31 sa probinsya ng Marinduque

BOAC, Marinduque – Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marinduque ngayong darating na Martes, Hulyo 31 sapagkat ipagdiriwang ng probinsiya ang ika-118 taong anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Paye na may paksang Diwa ng Paye: Malasakit sa Kasaysayan, Kapayapaan at Kalikasan. Ang Republic Act No. 9749 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay nagdedeklara na special non-working holiday sa buong Marinduque tuwing ika-31 ng Hulyo ng bawat taon. Base sa kautusan, kinikilala ng pamahalaan ang pagkapanalo ng mga kawal…

Direktor ng DOT-Mimaropa bumisita sa Marinduque, nadismaya sa Maniwaya

SANTA CRUZ, Marinduque – Kamakailan lamang ay personal na binisita ni Department of Tourism (DOT)-Mimaropa Regional Director Maria Luisa Diploma ang probinsya ng Marinduque para isang ‘familiarization tour’. Sa unang araw ay nagkortisiya si Diploma sa tanggapan ni Boac Mayor Roberto Madla at Marinduque Governor Carmencita Reyes kung saan ito ay mainit na tinanggap at pinutungan. Nagkaroon naman ng diyalogo si Diploma kasama ang mga miyembro ng Farm Tourism Association Island of Marinduque sa ikalawang araw ng kanyang pagbisita. Tampok sa mga pinuntahan ng direktor ang magagandang pook-pasyalan sa probinsya…

AGREA, TESDA may 50 scholarship sa mga nais matuto ng organikong pagsasaka

BOAC, Marinduque – Hanggang 50 scholarship sa mga kabataan at mamamayang gustong matuto ng ‘Organic Agriculture Production NCII’ ang iniaalok ng AGREA Farm School sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa probinsya ng Marinduque. Bukod sa libreng tuition fee at assessment, makatatanggap din ang mapipiling aplikante ng Student Allowance na nagkakahalaga nang Php 60.00 bawat araw at Book Allowance na Php 500.00 sa kabuuan ng programa. Layunin ng pagsasanay na paunlarin ang kakayahan at galing ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng organikong pagsasaka. Tatagal ang programa…

Farm school in Marinduque maintains perfect pass rate

BOAC, Marinduque – For the fourth time since the farm school opened in November 2018, 100% of students at the AGREA Farm School pass the Organic Agriculture Production assessment. All 25 examinees from AGREA Farm School get passing competency remarks for Organic Agriculture Production National Certification (OAP NCII) last July 2-4, 2018. This qualifies all 25 of them as Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-certified Organic Agriculture Farmers. Further, they are qualified as competent Organic Agriculture Farmers, Organic Chicken Raisers, Organic Hogs Raisers, Organic Vegetables Farmers, Organic Concoctions and…

State of calamity idineklara sa 4 na barangay sa Boac, Marinduque

BOAC, Marinduque – Isinailalim sa state of calamity ang apat na barangay sa bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque dahil sa sunog na sumiklab sa lugar nitong Hulyo 2, 2018. Ayon sa resolusyon na may titulong ‘Resolution Declaring Certain Portions of the Boac Poblacion Barangays Namely, Malusak, Mercado, Murallon and San Miguel Under the State of Calamity Brought About by the Fire Incident on July 2, 2018‘, na ipinasa sa ‘special session’ ng Sanguniang Bayan ng Boac ngayong umaga, Hulyo 5, ang kanilang pagdedeklara ng state of calamity sa…