‘Accommodation establishments’ sa Marinduque, dapat mag-comply sa DOT, LGU

Pinulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque, sa pangunguna ng Provincial Tourism Office (PTO) ang mga may-ari at kinatawan ng hotels at accomodation facilities sa Marinduque kamakailan upang pag-usapan ang mga panuntunan sa muling pagbubukas ng mga hotels at iba pang accomodation establishments sa lalawigan o lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).