Battle of the Morions, tampok ngayong Mahal na Araw

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatakdang isagawa sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque ang tinatawag na ‘Battle of the Morions’ na isa sa magiging tampok na gawain sa lalawigan ngayong nalalapit na Mahal na Araw.

Layunin ng kompetisyong ito na mahikayat ang mga lalahok na makapagbigay ng mensahe sa mga manunood kung ano ang diwa ng Semana Santa na taon-taong isinasagawa sa probinsya sa pamamagitan ng pagsayaw na nalalapatan ng napiling tugtog ng kasaling grupo.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Magiging pamantayan sa pagpili ng itatanghal na panalo ay ang mga sumusunod: 1) Linaw ng mensahe at interpretasyon ng pagganap- 30%; 2) Katumpakan, koordinasyon, kahusayan, koreograpiya- 20%; 3) Pagkamalikhain at kasiningan sa kasuotan- 15%; 4) Epektibong paggamit ng kagamitan- 15%; 5) Impak sa manunood- 10%; at 6) Musika- 10% na may kabuohang 100%.

Ang tatanghaling kampyon ay mag-uuwi ng P50,000.00. Magkakamit naman ng P30,000.00 ang hihiranging first runner-up at P20,000.00 naman sa second runner-up.

Sasalihan ang kompetisyon ng mga grupo ng moryon na magmumula sa mga bayan ng Boac, Santa Cruz, Torrijos, Buenavista at Gasan.

Gaganapin ito sa town plaza ng Santa Cruz ngayong Marso 29 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!