MOGPOG, Marinduque – Balik na sa normal ang operasyon ng mga sasakyang pandagat at mga pasahero sa Talao-Talao Port, Lucena City at Balanacan Port, Mogpog matapos ang pananalasa ng Bagyong Ursula.
Ito ay matapos ibaba ng Pagasa ang babala ng bagyo sa Marinduque at karatig nitong probinsiya.
![](https://marinduquenews.com/wp-content/uploads/2019/12/Stranded-cars-in-Talao-Talao-Port-Lucena-840x473.jpg)
Sa Talao-Talao Port sa Lucena City, bandang alas-5:50 ng umaga ay nagsimula nang magpapasok ng mga sasakyan sa barko.
Sa Balanacan Port, Mogpog naman ayon kay PCG Balanacan Substation Commander Denmark Cueto, alas-7:30 ng umaga nakatakdang umalis ang barko sa unang biyahe nito mula Marinduque patungong Lucena City.
Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna. – Marinduquenews.com