Byahe ng mga barko sa Balanacan Port, suspendido pa rin; Marinduque signal no. 1 na

MOGPOG, Marinduque — Suspendido pa rin ang byahe ng mga barko sa buong Marinduque ngayong maghapon, Disyembre 16, 2017 sanhi ng Tropical Storm #UrdujaPH.

“Ayon sa natanggap natin na weather forecast na inilabas ng Pagasa ngayong alas 5:00 ng umaga, signal no. 1 na ang Marinduque kaya automatic, hindi na po tayo pwedeng magpabiyahe”, paliwanag ni Petty Officer III Denmark Cueto ng Coast Guard Sub-Station Balanacan sa bayan ng Mogpog.

Una rito ay kinansela rin ang mga byahe ng barko kahapon, Disyembre 15 dahil naman sa malalakas na hangin at alon sa karagatan.

Read also: Byahe sa Marinduque, suspendido dahil sa malakas na hangin at alon

Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna na dala ng hindi magandang panahon. -Marinduquenews.com

#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!