Ilang barangay sa Mogpog, binaha

MOGPOG, Marinduque – Ilang barangay sa bayan ng Mogpog ang binaha dahil sa walang humpay at malakas na pag-ulan kaninang madaling araw, Disyembre 8.

Ayon sa citizens report, kabilang sa mga binaha ay ang mga barangay ng Bintakay, Bocboc, Nangka Uno at Nangka Dos na pawang nasa bayan ng Mogpog.

Ilang residente naman ang inilikas sa iba’t ibang lugar dahil sa pagtaas ng tubig at pag-apaw ng ilog.

Sa ipinadalang larawan ni Bryan Manoy, residente ng Sitio Ibaba, Barangay Bocboc, makikita na sira na ang flood control sa kanilang lugar. Ang pagkasira at pagkawala umano ng flood control ang isa sa mga dahilan ng mabilis na pagdaloy ng tubig sa kabayanan.

flood-control-in-bocboc-mogpog-marinduque

Wala namang naiulat na nasaktan matapos ang mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa mga nabanggit na lugar.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!