Kababayan mula sa Torrijos, ating suportahan sa ‘The Voice Kids’

TORRIJOS, Marinduque – Suportahan natin ang ating kababayang si Ragen Angel Penaflor sa kanyang pagsabak sa live semi-finals ng The Voice Kids Philippines ngayong Sabado at Linggo, Agosto 20-21.

Ang pamilya ni Angel ay tubong Matuyatuya, Torrijos, Marinduque at ngayon ay naninirahan sa Laguna.

Matatandaan na umikot si coach Sharon at coach Lea ng awitin nito ang kanyang rendition ng ‘Starting Over Again’ sa blind audition ng The Voice Kids Philippines Season 3 noong Hulyo 9, 2016.

“Angel is the right name for your voice. Your voice is like an angel and has a good tone. You have some technical issues,” sabi ni coach Sharon.

“I like the progression although there’s space for improvement. I like the character of your voice,” dagdag pa ni coach Sharon.

Pinili ni Angel na sumama sa FamiLea (Team Lea).

Ipakita natin ang suporta kay Angel sa pamamagitan ng pagtext. Just text: Voice Angel and send it to 2366 (Available to all network, local or international). Bisitahin ang kanyang website, click here.

Ang The Voice Kids Philippines Season 3 ay mapapanood sa ABSCBN tuwing Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home (7:45 pm) at  kung Linggo pagkatapos ng Goin Bulilit (7:45 pm).

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!