Marinduque is known as the Lenten Capital of the Philippines aside from being the heart of the archipelago. It is gifted with natural resources including several beaches as it is naturally surrounded with bodies of water. The province became notorious with the mine tailings from the controversial Marcopper Mining Corporation which up to this day failed to settle its liabilities to affected barangays and residents together with the local government.
Pero lingid sa kaalaman ng nakararami, bagama’t ang lalawigan ay binubuo lamang ng anim na bayan o munisipalidad (Mogpog, Boac, Gasan, Buenavista, Torrijos at Santa Cruz) nababalot ito sa iba’t ibang kontrobersya lalo na ang umiigting na local politics. Yes, tama po ang inyong nabasa – mabagal ang pag-usad ng kaunlaran sa Marinduque dahilan sa maigting na pulitika kung kaya’t mabagal din ang pagtugon sa imprastrukturang pangangailangan ng lalawigan – mula transportasyon, farm-to-market-roads at higit sa lahat power supply.
Bilang pagbabalik-tanaw, musmos pa ang aking kaisipan noong mga panahon na mapagtanto ng mga lokal na lider nang itatag ang isang kooperatiba na siyang magbibigay ng liwanag sa isang islang mapayapa at payak ang pamumuhay. Sa katunayan, maipagmamalaki ng mga mamamayan ang patuloy na pagkakaroon ng zero crime ng lalawigan na maihahambing sa lalawigan ng Batanes. On March 25, 1973 – 45 years to date to be exact, Marinduque Electric Cooperative or Marelco was founded. Ito ang isang kooperatiba na siyang naglakas ng loob na makapaghatid ng elektrisidad sa Marinduque. Animo’y piyesta gabi-gabi dahil sa maayos na daloy ng kuryente at halos lahat ng barangay ay nabigyan ng liwanag – isang hakbang na masasabing tungo sa pag-unlad ng lalawigan at liwanag na siyang higit na gagabay sa kapayapaan at kaayusan ng lalawigan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, kaakibat ng mabilis na pagdaloy ng pagbabago sa teknolohiya at panahon, ang liwanag na inaasahang magmumula sa Marelco ay itinuturing ngayon ng mga residente bilang kalbaryo lalo na sa mga malilit na negosyanteng umaasa sa supply ng kuryente upang mapanatiling matatag ang pagnenegosyo. Urong-sulong ang tourism business dahilan sa kawalan ng sapat na power supply sa mahabang panahon.
Nitong nakalipas na Abril 30, 2018, sa kasagsagan ng summer – nagmistulang maagang Pasko para sa mga residente dahil sa patay-sinding daloy ng kuryente. Ang announcement ng Marelco na isang (1) oras na power interruption ay tumagal nang tatlong (3) oras o higit pa kung kaya’t umaangal ang mga residente lalo na ang mga negosyante sapagkat nakagagambala ito sa takbo ng kani-kanilang negosyo.
Sa Facebook page ng Marelco, kanilang inihayag ang tinatawag nilang Tentative Schedule of Power Interruption batay na rin sa liham ng National Power Corporation (Napocor) noong May 2, 2018 na humihiling ng tinatawag na load shedding o pagbabawas sa power load supply at ang nakalulungkot ay sa panahon pa ng peak hours. Sa naturang liham ng Napocor, binanggit nito na ang Grid Dependable Capability ay umaabot lamang ng 7.5MW kontra sa Prevailing Maximum Demand na 9.370MW kung kaya’t hiniling na tapyasan ng 1.870MW sa panahon ng peak hours.
Ang nakapagtataka, batid pala ng Napocor ang mataas na demand sa power supply, hindi ba’t mas mainam na ipinarating nila ito sa Marelco nang mas maaga kaysa inaasahan? Wala bang ibang paraan ang electric cooperative na mapagkukunan ng supply ng kuryente maliban sa Napocor? Sa mga ganitong pagkakataon at sa mahabang panahon ng pagseserbisyo ng Marelco sa lalawigan, dapat sana’y aral na nila ang mga ganitong pagbabago at bilang kooperatiba mayroon silang alternative source of power supply upang matamo nila ang demand ng mamamayan lalo na kung ganitong panahon ng tag-init.
Batid ko na sa mahabang panahon, isang barge laang na nagtataglay ng coal supply ang pinagkukunan ng power supply sa lalawigan. Pero kung inyong susuriin ang kasaysayan ng Marelco, napagkalooban ito ng iba’t ibang loan grants para sa development, improvement at modernization bukod pa sa ginawaran ito bilang Category A+ cooperative. Nangangahulugan na noong mga nakaraang panahon maayos ang serbisyo nito sa mga consumer. Pero anyare? Matatandaan na noong 1990, inaprubahan ng Board of Directors (BOD) ang Resolution No. 48-90 sa kahilingan nang noon ay NPC (now Napocor) na gamitin ang Marelco Power Plant sa Bantad, Boac upang madagdagan at mapanatiling matatag ang power supply requirement. Tama, maraming kalamidad ang pinagdaanan ng lalawigan at maaaring naapektuhan ang facilities nito pero maraming pagkakataon din ang ipinagkaloob ng national government para sa rehabilitasyon. Tanong anyare?
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Tila hindi nararamdaman ng mamamayan ang epekto ng Republic Act 9136 o higit kilala bilang Electric Power Industry Reform Act na ipinatupad noong June 2001. Dapat sana’y mas naging maayos ang supply ng kuryente at kung magkaroon man ng kakulangan ay mayroong alternatibong inaasahan maliban na lamang sa mga pagkakataong di inaasahan.
Bilang mandato ng RA 9136, napili ng Board ang IFC (unclear on their Facebook page what IFC means, unless they are referring to International Finance Corporation – which finances electricity generation, transmission, and distribution upgrades in developing countries, with a particular focus on natural gas and renewable energy, such as solar, wind, and hydropower [World Bank Group] bilang Transaction Advisor. Lumagda sa isang Power Supply Agreement noong 2005 ang Marelco at 3i Powergen para sa supply ng kuryente sa Marinduque sa loob ng labinlimang (15) taon. Nangangahulugan na pasanin ng 3i Powergen ang maayos na daloy ng supply ng kuryente hanggang 2020 – so, may dalawang (2) taon pa. Pero anyare? Unless, otherwise “terminated” ang kasunduan.
Sa pagitan ng 2006 at 2007, binalaan ng NPC ang Marelco na puputulin ang supply ng kuryente dahilan sa kabiguan nilang maayos ang mga bayarin at patuloy na protesta ng kooperatiba sa Fuel Cost Adjustment. Sinundan pa ito ng sunod-sunod na kalamidad ngunit bandang huli ay napagkalooban ng milyong pisong halaga ng loan at subsidies. Ngunit sa kabila nito, bakit patuloy na nagkukumahog ang Marelco sa pagbibigay ng maayos na supply ng kuryente? Nalulugi ba ang kooperatiba kung kaya’t bigo itong makahanap ng alternative solution upang maibsan ang pangangailangan ng mamamayan na magkaroon ng sapat na power supply?
Nakalulungkot na sa mahabang panahon, nananatiling laidback ang kalakaran ng kooperatiba sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan ng maayos na serbisyo upang magbigay sigla sa oportunidad hindi lamang sa larangan ng kalakal kundi maging sa malaking bentahe ng sektor ng turismo. Ang Napocor, bilang government owned and controlled corporation, kung bigong mapunan ang pangangailangan ng power distribution sa Marinduque, wala bang kakayahan ang Marelco upang kumuha ng additional supply sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kahit pa isa itong private entity? Gampanin ng NGCP kaakibat ang National Electrification Administration o NEA ang pagsasaayos ng power supply at ng iba pang distribution utilities at cooperative sa buong bansa. Gusto ko tuloy isipin na alienated na ang Marinduque pagdating sa pagkakaroon ng maayos na infrastructure projects and programs dahilan sa mistulang napag-iiwanan na ito.
Isang magandang ehemplo ang lalawigan ng Batanes na nasa kahila-hilagaang bahagi ng mapa ng Pilipinas na napalilibutan ng karagatan. Gumagamit din lamang sila ng generator set (gen set) at sa kadahilanang madalas silang bisitahin ng bagyo gaya ng Marinduque, gumagamit na sila ng tinatawag na undergro
und distribution system (UDS) sa pamamagitan ng Batanes Electric Coopertaive, Inc. (Batanelco), take note isa rin silang kooperatiba. Ang UDS ang siyang tugon ng lalawigan sa power supply reliability at service efficiency. Bahagi rin ng kanilang programa ang Barangay Line Enhancement Program (BLEP). Kumpara sa Marinduque na may anim na bayan, ang Batan Island ay mayroong apat (4) na munisipalidad na ngayon ay nakikinabang sa UDS dulot na rin ng kakaibang lokasyon at unpredictable weather conditions ng Batanes. Noong mga nakalipas na panahon, suliranin ng Batanes ang power interruptions lalo na noong kasagsagan ng oil shortage. Sinubukan din nila ang pagtatayo ng wind mill at solar farms ngunit sadyang hindi ito tatagal sa unos ng kalikasan. And yet, Batanes survived at ngayon ay maayos ang power supply. With Marelco, nganga!
Mula nitong Abril 30, nang magsimulang makaranas ng mahabang power interruption ang Marinduque, inaasahang tatagal pa ito hanggang Mayo 6, (bukas – o hanggang sa dulo ng walang ilaw?) mula 5:30 ng hapon hanggang alas dose ng madaling araw. Sa ganitong pagkakataon at paulit-ulit na perhuwisyong dulot sa local buisness sectors, wala bang puwang o kapangyarihan ang mga lider at umaaktong lider upang panghimasukan ito at tuluyang mabigyan ng long term solution ang kalbaryo ng kadiliman sa ating maliit na lalawigan? Hanggang kailan magtitiis at maghihintay sa wala ang Marinduque? Ilang dekada pa ba ang hihintayin sa pag-usbong ng lider na ganap na magbibigay ng kaginhawahan sa mamamayan? Hindi ba’t taglay rin nila ang kakayahan at kaalaman na idulog sa national government ang dilemma ng iyong nasasakupan? Gising Marelco, laban Marinduque! –Marinduquenews.com