Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang panununtok ng isang lalaking nakainom sa isang tindera sa bayan ng Boac.

Makikita sa video na ibinahagi ni Jopat Calachan Leal sa Facebook na ilang beses na sinuntok ng nasabing lalaki ang tindera. Kinamaya-mayaan ay lumabas ang tindera sa kanyang tindahan habang sumisigaw at humihingi ng saklolo. Subalit lumapit ang lalaki sa tindera at sinuntok muli ito.

Kinilala ng pulisya ang nag-amok na lalaki na si Ricardo Ritamola, Jr., 38, isang barker at nakatira sa barangay Janagdong, Mogpog.

Ayon sa panayam ng Marinduque News kay PNP Boac Police Senior Inspector Rocky Mercene, dakong alas 10:30 ng gabi nitong Linggo, habang nagliligpit ng paninda upang magsarado na ng tindahan si Angelina Ardales, 56 taong gulang, sa barangay San Miguel, Boac nang dumating ang lasing na si Ritamola upang bumili ng alak at sigarilyo subalit hindi ito pinagbigyan sapagkat kulang ang dalang pera nito.

Bigla umanong hinila ng suspek ang kamay ng tindera saka ito pinagsusuntok.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa insidente at ikinulong ang suspek na napag-alamang may deperensya sa pag-iisip.

Nahaharap si Ritamola sa kasong slight physical injury.

Related Post

error: Content is protected !!