GASAN, Marinduque – Dumating kaninang umaga sa Marinduque Airport sakay ng Cebu Pacific Air ang singer, actress na si Pops Fernandez.

Sa airport ay sinalubong si Fernandez ni Boac Mayor-elect Armi Carrion.

Si Boac Mayor-elect Armi Carrion at Pops Fernandez sa Marinduque airport. Photo by Lorena Sto. Domingo / Marinduquenews.com

Ayon sa report, si Fernandez ay nakatakdang dumalo sa ‘oath-taking ceremony’ ni Carrion bilang bagong halal na alkalde ng bayan ng Boac.

Magsasagawa rin ito ng mini concert sa plaza ng nasabing bayan sa Biyernes, Hunyo 28. Marinduquenews.com

Related Post

error: Content is protected !!