SUV, nahulog sa ginagawang ‘drainage’ sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque — Nahulog ang isang sasakyan sa ginagawang ‘drainage’ sa Barangay Capayang, Mogpog kaninang madaling araw, Mayo 11.

Ayon sa ulat ng Mogpog Municipal Police Station (MPS), binabaybay ng drayber ang national road sa nasabing barangay nang aksidenteng dumeretso at mahulog sa isang ‘open drainage’ ang minamaneho nitong kulay asul na Toyota Revo bandang ala 1:10 kaninang umaga.

Galing umano ang sasakyan sa Balanacan Port at patungo sa bayan ng Gasan nang maganap ang aksidente kung saan ay nagtamo ng minor injury sa itaas na bahagi ng labi ang drayber na kinilalang si Rex Emmanuel Asuncion.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga motorista na magdobleng ingat sa pagmamaneho lalo na sa gabi. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!