Ipinagdiwang ng buong lalawigan ng Marinduque ang ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye sa Balimbing, Boac noong Hulyo 31.
Pinasimulan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng banal na misa kasama ang mga miyembro ng Boy Scout at Girl Scout of the Philippines.
Matapos nito ay binigyan naman ng pagpupugay sa pangunguna ni Boac Mayor Roberto Madla ang mga dakilang bayani na nagbuwis ng buhay noong panahon ng labanan sa Paye taong 1900. Binigyan sila ng 21 gun salute ng mga militar sa harapan ng bantayog.
Read also: #WalangPasok: Hulyo 31, special non-working holiday sa Marinduque
Ilan sa mga dumalo sa pagdiriwang ay sina Cong. Lord Allan Velasco, Vice-Governor Romulo Bacorro, BGen. Elias Escharcha, PCSupt. Froilan F. Quidilla, Boac Vice Mayor Robert Opis at iba pa nilang kasamahan sa Sangguniang Bayan. Dumalo rin sa pagtitipon na ito ang mga opisyal ng nasyonal at lokal na pamahalaan.
Ang paggunita ng taunang pag-alaala na ito ay binigyan ng temang Labanan sa Paye: Kabayanihan, Gunitain at Ipagmalaki Natin.
Photo courtesy of Luna Manrique