Belgium Attaché to the Philippines Koenraad Du Pont, dumating sa Marinduque

GASAN, Marinduque – Dumating kaninang umaga sa Marinduque Airport sakay ng Cebu Pacific Air ang Belgium Attaché to the Philippines na si Koenraad Du Pont. Sa airport ay sinalubong si Du Pont nina Marinduque Vice Gov. Romulo Bacorro, Jr., Fluvia Firefigther Olivier Calle at mga opisyales ng BFP at PNP. Si Du Pont ay nakatakdang dumalo sa ‘turn-over ceremony’ ng mga ‘personal protective equipment’ (PPE) donation at firefighter clothes mula sa bansang Belgium. – Marinduquenews.com

Marinduque State College bilang unibersidad, pirmado na ni Duterte

BOAC, Marinduque – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong gawing unibersidad ang Marinduque State College (MSC). Ang House Bill No. 8729 na may titulong “An Act Converting the Marinduque State College in the Municipality of Boac, Province of Marinduque into a State University, to be known as the Marinduque State University, and Appropriating Funds Therefor” na iniakda ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco ay ganap ng batas matapos pagtibayin ng pangulo ng Pilipinas nitong Miyerkules, Hunyo 26. Nakasaad sa batas na maging ang mga…