BAPA meeting ng Marelco, naging matagumpay

STA. CRUZ, Marinduque – Matagumpay na idinaos ang pangkalahatang pagpupulong sa lahat ng mga kasaping-konsumidores ng Marinduque Electric Cooperative (Marelco) sa isla ng Mongpong, Sta. Cruz, Marinduque noong ika-5 ng Setyembre 2016.

Ilan sa mga tinalakay ay ang tungkol sa mga nakatakdang gawain ng kooperatiba na may kaugnayan sa operasyon ng Barangay Power Association (BAPA).

Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng Sangguniang Barangay ng Mongpong at mga kawani ng Marelco sa pangunguna ng general manager nito na si Gaudencio M. Sol, Jr.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!