Barangay Nutrition Scholars, tumanggap ng honorarya

BOAC, Marinduque – Naipamahagi na sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang honorarya na nakalaan para sa kanila. Pinangunahan ni Dr. Violet Reyes, anak ni Marinduque Gob. Carmencita Reyes ang pamamahagi nito na nagmula sa pamunuang nasyonal at pamunuang panlalawigan. Matapos personal na maiabot ni Reyes ang honorarya ay pinasalamatan at kinilala niya ang mga BNS mula sa anim na munisipalidad. Ang mga BNS ang unang umaalam ng kalagayan ng nutrisyon ng mga tao sa kanilang barangay. Pinayuhan din ni Reyes ang mga ito na magtanim ng gulay sa kanilang mga bakuran o community garden na bahagi ng Wellness Program na kaniyang isinusulong sa Marinduque. Dagdag pa niya, mahalagang pangalagaan ang kalusugan upang magkaroon ng kalakasan ang katawan at isipan lalo na ang mga kabataan na sinabi niyang tatayong lider sa mga darating pang panahon. Marinduquenews.com
Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!