Marelco pinarangalan ng National Electrification Administration

BOAC, Marinduque – Tumanggap ng dalawang parangal mula sa National Electrification Administration (NEA) ang Marinduque Electric Cooperative (Marelco) kamakailan.

Ang mga parangal na natanggap ng Marelco ay “Performance Excellence Award” at “Most Improved Electric Cooperative”.

Ilan sa mga proyekto na naisagawa ng NEA katuwang ang Marelco sa taong ito ay ang switch-on ceremony para sa unang instalasyon ng three-phase submarine power cable sa mga isla ng Polo, Maniwaya at Mongpong sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque. Nais ng proyektong ito na mabigyan ng 24-oras na suplay ng kuryente ang mga nasabing isla.

Ang parangal na iginawad ng NEA sa Marelco kamakailan bilang Most Improved Electric Cooperative at resipyente ng Performance Excellence Award. Larawan mula sa Marelco

Isa sa mga proyekto ng Department of Energy (DOE) na ipinagkaloob sa Marinduque ay ang bagong diesel-fired power plant na pinasinayaan noong Agosto 25, 2017.

Ang diesel-fired power plant na ito ay may limang ‘modular regulating unit’ na kung saan ang bawat yunit ay may kapasidad na isang megawatt.

Ang pagbibigay ng pagkilala sa Marelco ay iginawad sa NEA Building, lungsod ng Quezon na nilagdaan ni Goldelio Rivera, deputy administrator at Edgardo Masongsong, administrator ng NEA. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!