BOAC, Marinduque – Iuurong na ni Marinduque outgoing governor Carmencita Reyes ang kanyang kandidatura sa pagkakinatawan ng lalawigan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Inaasahang magsusumite si Reyes ng Statement of Cancellation/Withdrawal ngayong hapon sa tanggapan ng Commision on Election (Comelec)-Marinduque.
Ngayong Huwebes, Nobyembre 29 ang huling araw ng ‘substitution’ para sa 2019 National and Local Elections.
Nagsimula ang karera ni Reyes sa pulitika ng mahalal ito bilang Delegada ng distrito ng Marinduque sa ilalim ng bagong Constitutional Convention noong Nobyembre 10, 1970. Tumagal ng 48 taon o humigi’t limang dekada ang karera ni Reyes sa pulitika.
Narito ang ‘timeline’ ng ‘political career’ ni Nanay Carmencita Reyes.
[ninja_tables id=”5838″]
Si Gov. Reyes ay nakatakdang magretiro sa Mayo ng susunod na taon. –Marinduquenews.com