Marinduque rep, kasama sa delegasyon ni Duterte sa Laos

Kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kinatawan ng Marinduque sa kongreso na si Cong. Lord Allan Velasco sa idaraos na 28th at 29th Association of Southeast Asian Nations (Asean) summits na gaganapin sa Laos ngayong ika-4 hanggang ika-10 ng Setyembre 2016.

Makakasama rin ni Velasco ang mahigpit tatlumpo (30) pang opisyal na delegado ng bansa.

Samantala, kinumpira naman ng Palasyo ng Malakanyang na opisyal ding tatanggapin ng gobyerno ng Pilipinas ang chairmanship ng 2017 ASEAN Summit na magsisimula sa ika-1 ng Enero 2017.

Photo screen grabbed from Lord Allan Velasco’s Facebook account
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!