BOAC, Marinduque — Inilabas na ng Department of Science and Technology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang mga pumasa sa 2017 Junior Level Science Scholarship (JLSS).
May bilang na 21 mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) ang nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa nasabing scholarship. Pitong estudyante ang nagmula sa Boac, anim sa Mogpog, dalawa sa Sta. Cruz, dalawa sa Torrijos, isa sa Buenavista at tatlo sa Gasan.
Ang mga mag-aaral na nabibilang dito ay sina: Avegail Luz Banega, Ellaine Martillano Jalos, Rose Ann Jandusay Llave, Ronamel Sapalaran Malco, Eugene Redivizo, Ericka Quindoza Roldan, Kimberly Rose Lupig Seṅo, Kate Angela Sena Maapoy, Elaine Marciano Mabansag, Rodalyn Ricohermoso Mangcoy, Czarlyn Maderazo Mirones, Ronnel Comia Nolos, Kate Shiendel Muhi Ola, Ronalyn Villaruel Pastrana, April Lalaine Ramos Pelaez, Rica Pacalda Fabrigas, Denia Barela Salon, Khevin Lumalang Medina, Michael Dane de Belen Mabunga, Jaimlevy Semilla Saguid at Jean Christine Sanchez Serdena.
#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera
Makatatanggap ang mga estudyanteng ito ang P5,000.00 na monthly allowance, libreng matrikula sa MSC, student insurance, book allowance na nagkakahalaga ng P10,000.00 at graduation allowance. Bukod pa rito ay may pagkakataon din silang makapagturo o makapagtrabaho sa kahit anong pampublikong paaralan sa oras ng kanilang pagtatapos.
Ang scholarship na ito ay bukas sa mga mag-aaral na nasa ikatatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng mga kursong nabibilang sa Science and Technology Priority Courses sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at ilang pribadong eskwelahan na mayroong CHED compliant programs, CHED identified Centers of Excellence (COE) o Centers of Development (COD). — Marinduquenews.com