BOAC, Marinduque — Pinangunahan ni Gov. Presbitero Velasco, Jr. ang pagdiriwang ng ika-30 taong ‘Foundation Day’ ng Philippine National Police (PNP) na ginanap sa Camp Colonel Maximo Abad, Boac, kamakailan.
Si Velasco ang guest of honor sa nasabing selebrasyon na may paksang ‘PNP@30: Kakampi mo Laban sa Pandemya, Iligal na Droga, Kurapsyon at Terorismo’.
Sa mensahe ng gobernador, binigyang diin nito ang naging kontribusyon ng mga magigiting na miyembro ng PNP.
Aniya dahil sa kanila ay naideklara ang probinsiya bilang Insurgency Free, Drug Cleared Province at ikalawa sa pinakaligtas na lugar sa buong bansa.
“Nakamit po natin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng serbisyo, dedikasyon at sakripisyo ng ating Marinduque police”, bahagi ng pahayag ni Velasco.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ay isinagawa ang Ceremonial Turn-over of Certificate of Land Title sa Camp Colonel Maximo Abad at ang paggawad ng pagkilala sa mga natatanging yunit ng kapulisan sa lalawigan. — Marinduquenews.com