Kinilala ng Department of Health (DOH) Mimaropa sa pamamagitan ng binuong Dengvaxia Task Force ang 74 na mag-aaral sa rehiyon na nabakunahan ng Dengvaxia na gawa ng French pharmaceutical na Sanofi Pasteur.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, ang mga nabakunahan ay pawang mula sa lalawigan ng Marinduque, Occidental at Oriental Mindoro kung saan dalawa rito ay nabigyan ng full medical assistance.
Sinabi pa ni Janairo na ang mga nabakunahan ng Dengvaxia ay may edad 9 hanggang 41 anyos at karamihan sa mga ito ay nabakunahan sa mga pribadong klinika at galing sa mga rehiyon ng NCR, Calabarzon at Region III na umuwi lamang sa kani-kanilang probinsya sa Mimaropa.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Nabatid na isa sa dalawang tinukoy na recipient ay naka-confine sa Quirino Memorial Medical Center matapos na makaranas ng sakit sa tiyan at ulo, lagnat, ubo at mga pantal o rashes ngunit matapos na makarekober ay pinalabas na sa pagamutan.
Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang kanilang tanggapan upang tulungan ang mga pasyenteng naturukan ng Dengvaxia vaccine.
“Although most of the identified vaccinees in the region are well and in good health, we will still continue to monitor them and provide assistance if needed and also continue to seek and identify those who were given Dengvaxia to ensure their health and safety,” dagdag paliwanag ni Janairo. –Marinduquenews.com