Pumasa ang walong produktong mag-aaral ng Marinduque State College sa nakaraang Social Worker Board Examination.
Ang mga nakapasa sa board exam ay sina Angela Lora P. Alvarez, Eunina Belle L. Dimagiba, Zaidelyn M. Fabon, Dannie Ann P. Fiedalan, Ruby Anne S. Malvar, Maria Clea S. Mascarinas, Rosielyn N. Nepomuceno and Krystal Gael P. Pelaez.
Ayon sa Marinduque State College, sila ay kinikilalang unang pangkat ng paaralan na nakakuha ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC) sa programang Bachelor of Science in Social Work.
Nagpaabot naman ng pagbati ang pangulo ng kolehiyo na si Dr. Merian C. Mani dahil sa kanilang tagumpay.
Base sa resulta ng PRC, sa 5,997 na kumuha ng board examination, 3,951 ang nakapasa rito.
Matatandaan na ang eksamenasyon ay isinagawa noong Hulyo 27-28 sa iba’t ibang testing centers sa Luzon, Visayas at Mindanao.