33-anyos na magsasaka, nalunod sa ilog sa Boac

BOAC, Marinduque — Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 33-anyos na lalaki matapos malunod sa ilog sa Brgy. Balimbing, bayan ng Boac, Marinduque nitong Lunes, Nobyembre 4.

Kinilala ang biktima na si Arman Lara, magsasaka at residente ng Barangay Bamban sa naturang bayan.

Sa inisyal na ulat ng Marinduque Police Provincial Office, tumatawid si Lara kasama ang kanyang anak nang matangay ng malakas na agos at dinala sa malalim na bahagi ng ilog.

Sinubukan pang hanapin ng mga awtoridad ang biktima subalit tanging ang anak lamang nito ang nailigtas.

Sinikap ding dalhin ang magsasaka sa Marinduque Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang 10:35 am. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!