Should I say now, walang ‘balls’ ang provincial government ng Marinduque?
Imagine okay naman ang infrastructures though not perfect. All roads leading to another town or municipality is okay. Pero bakit ang transport system for the longest time walang pagbabago? Mas malala. There should be fair playing field for those with intention to enter business venture. Ano ang pumipigil? Again, the game of dirty politics and dirty politicians.
Unang una, ang sea transport, bulok at wrongly modified ang mga barko. Walang fair competition dahil pinapaboran ang mga negosyong posibleng favorable ang returns sa mga naghaharing uri. Kalbaryo ang pag uwi sa Marinduque sa totoo lang, wala pang disiplina ang ilan lalo na kapag peak season. Ang mga upuan kesyo may nakareserve daw pero hihigaan lang pala.
Pangalawa, anong silbi ng renovation ng Gasan Airport kung hindi gagamitin kahit tapos na? Dahil nag-uumpugan ang magkalabang partido kaya’t nakatengga lang ang facilities at naghihintay na muling masira o lumain ng panahon. Nakakapanghinayang na dapat sana’y komportable ang mga residente tuwing uuwi pero kalbaryo at panghihinayanang ang mararamdaman. I should know, maraming contributing factors ang dapat i-konsidera pero sa mahabang panahon na nasa puwesto, halos walang pagbabago. Kung gusto ng provincial government ng Marinduque ng maayos na revenue, they need to support also the small businesses. Look at what happen to Bellarocca? According to sources, it’s undergoing rehabilitation. Paano kikita ang private investors kung walang maayos na transportasyon upang maghatid ng mga local at foreign guests? Sa local tourism pa lamang puwedeng kumita ang local government pero sinasayang nila ang potential ng tourism sector.
Pangatlo, since my departure from the province, same old grievances ang naririnig ko, ang problema sa power supply. Paano nga naman magkakaroon ng other businesses kung laging Pasko ang tema ng probinsya dahil sa patay-sinding suplay ng kuryente?
Lastly, access to medical services. Up till now, ang provincial hospital maituturing mo pa ring ‘morgue’ dahilan sa kakulangan ng pasilidad at health workers kadalasan binabawian ng buhay ang pasyente. Malamang di na nila nakikita ang mga suliraning ito dahilan sa immune na sila marahil sa reklamo ng mamamayan at binabalewala na lamang.
I believe maraming well-off families sa Marinduque na gustong mag invest but because of the laidback system, they do it somewhere else. I am not a politician neither am I paid by somebody else to do this. This is basically from my experiences and observations. For the longest time, they’ve been leading the province and it isn’t enough to say that they’ve done something; the people wants them to deliver what they promised and been promising all over again. I know they can do more and give the best services to Marinduquenos. Partly, residents must do their share too. They’ve been tricked many times and yet during elections, they get fooled again and yield to few pesos in exchange of their sacred votes.
Gising mga kababayan!
Ipaglaban n’yo ang inyong karapatang magkaroon ng maayos na serbisyo at lider na tunay na kakalinga sa bawat mamamayan na may pagmamalasakit at kakayahang mamuno na magtuturo ng tamang diwa ng leadership. It’s not all about leadership per se but it entails good governance and satisfaction of the constituents based on the services provided by the so-called ‘leader’ – a leader with balls and political will.
Marinduque is only a six-town province and based on PSA Philippine Standard Geographic Codes as of 31 December 2016, the province is classified as 4th income class in MIMAROPA Region. We want to see and enjoy the real change these leaders had promised.
Hindi bukas o makalawa kundi ngayon na! They can do more in the next more than 2 years. Ang eleksyon ay wala pang isang araw at kung kapalit ng boto n’yo ay karampot na salapi, tatlong taon n’yong pinapasan ang kalbaryo samantala ang mga nakaupo ay nagpapasasa lamang. Gising at ibangon ang sigla ng Marinduque!
The Author: Eric Arevalo grew up in the town of Gasan. He is a radio anchor at Radyo Veritas, Buhay Marino Program. Further, he is the executive producer of Nation Broadcasting Corporation (NBC).