BOAC, Marinduque – Dumating na ang mga biniling emergency response equipments ng Provincial Capitol sa WeberRescue, isang supplier ng mga hydraulic rescue equipment mula sa United Kingdom.
Ayon sa Marinduque Provincial Government, matapos ma-i-tuover ang mga kagamitan, tinuruan naman ng WeberRescue ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at mga empleyado ng Motorpool kung papaano gamitin ang mga ito gaya ng spreaders, cutters, rescue rams at compact power unit.
Maliban pa rito ay ipinaliwanag sa kanila ni Hans Griese, facilitator ng emergency response training mula WeberRescue ang kahalagahan ng mga kagamitan na maaaring magamit hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi pwede rin itong gamitin sa oras ng aksidente sa kalsada.
Read also: Marinduque tatanggap ng Php 1 milyon mula sa Davao City
Umaasa naman si Provincail Administrator Baron Lagran na mas mapapadali at mapapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan sa lalawigan sa panahon ng hindi inaasahang pangyayari gamit ang mga hydraulic equipment na natanggap ng pamahalaang panlalawigan. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)
Photo courtesy of Erwin Monroyo Penafiel | Last updated on June 30, 2017