DOT, naglaan ng kalahating milyon para sa farm tourism ng Marinduque

Naglaan ang Department of Tourism (DOT) ng P570,000.00 para sa farm tourism ng Marinduque.

Ito ay matapos aprubahan ng ahensya ang aplikasyon ng Dream Favor Travel and Tours, isang accredited travel agency  sa Marinduque at Agrea Agricultural Communities International, isang social enterprise na nakabase sa lalawigan, ang hiling ng mga ito na magsagawa ng seminar ang DOT upang mapaunlad at mapalawak ang kaisipan ng mga mamamayan sa industriya ng turismo.

Ang seminar ay isasagawa sa darating na Disyembre 13-15 sa barangay Bunganay, Boac, Marinduque.

Read also: Program on accelerating farm school establishment, tinalakay ng PTESDC

Kabilang sa mga nakalinyang gawain ay ang Fun Farms Mimaropa Product Development Lecture & Workshop, Marketing & Selling of Tour Packages at Effective Customer Service Training.

Ang mga makikinabang sa naturang programa ay ang mga farm laborer, mga nasa formal sector na kinabibilangan ng mga manggagawa sa agricultural at agri-business, akademya at mga nasa sektor ng turismo.

Read also: DAR opens Farm Business School in Marinduque

Sa mga nagnanais na makibahagi sa gawain, mangyaring makipag-ugnayan kay Susan Nace sa numerong 0918-933-1605. –Marinduquenews.com

#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!