BOAC, Marinduque – Isang babaeng ‘green sea turtle’ (Chelonia mydas) o mas kilala sa lokal na katawagang pawikan ang matagumpay na naibalik sa karagatan.
Ayon kay Dr. Josue Victoria, Marinduque provincial veterinary, nagambala sa pangingitlog ang pawikan nang hindi sinasadyang makita ng ilang mangingisdang papalaot habang ito ay nangingitlog sa baybaying sakop ng barangay Cawit sa bayan ng Boac ganap na ika-1:35 ng madaling araw nitong Miyerkules, Abril 25.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ipinagbigay alam ng nakakita kay Eddie Mar Laylay, miyembro ng Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team ang pangyayari.
Matapos ang ginawang assessment sa nasabing buhay dagat, agad itong tinulungang makabalik sa karagatan. –Marinduquenews.com