M/V Virgin Penafrancia habang nakadaong sa Balanacan Port, Mogpog Marinduque Photo courtesy: Starhorse Shipping Lines |
Narito ang mga oras ng pag-alis at pagdating ng mga barko ng Starhorse Shipping Lines mula Marinduque patungong Lucena at vice versa ngayong Holy Week 2016.
Ayon sa Starhorse Shipping Lines Facebook Account, walang biyahe sa araw ng Biyernes, Marso 25 simula ika-3 ng hapon hanggang gabi. Ang resume o balik ng biyahe ay sa umaga na ng Sabado, Marso 26.
Ang Regular Rate ay 260, Student Fare-221, Senior Citizen Fare-186 at ang Half Fare (para sa mga bata) ay 130.
Muli namang nagpaalala ang SHSL sa mga pasahero, ayon pa sa kanila:
- May sistema na ipinatutupad ang PPA para sa kaayusan ng mga biyahero ngayong Holy Week. Ugaliing sumunod sa nakatakdang pila ng pagkuha ng ticket para sa kaayusan ng lahat.
- First Come, First Serve basis lamang ang Starhorse Shipping Lines at hindi tumatanggap ng reservation.
- Ang schedule ay estimated departure ng bawat barko, ito ay maaring umalis ng mas maaga sa kanyang nakatakdang schedule alinsunod sa MARINA na nagpapatupad ng “schedule relaxation” para mas mapabilis ang pagtawid ng mga pasahero. Ibig sabihin, kapag puno na ang barko, maaari na itong umalis agad kahit hindi pa takdang oras ng biyahe.
- Under renovation ang Passenger Terminal Booth ng Lucena Port, kaya ipinakikiusap na sumunod sa mga patakaran sa loob ng PTB upang maayos na makasakay ang lahat.
- Cancelled ang lahat ng promo fare ng Starhorse Shipping Lines.
- Para sa mga studyante at senior citizen, maaaring lamang magclaim ng discount kapag may maipapakitang valid ID. Strictly one ticket per ID ang pagbibigay ng discount.