TORRIJOS, Marinduque – Kasalukuyang nakararanas ng rotational brownout ang probinsya ng Marinduque ayon sa Marinduque Electric Cooperative (Marelco).
Ang eskedyul ng rotational power interruptions ay nagsimula noong Linggo, Mayo 19 at tatagal hanggang Martes, Mayo 21.
Ayon sa Marelco, “Tayo po ay makararanas ng rotational power interruptions dahil may power shortage po ang National Power Corporation (NPC).”
“Sa kasalukuyan ay hindi po available ang PB120 at iba pang generating units nila”, dagdag ng Marelco.
Hindi naman ipinaliwanag ng Marelco kung ano ang dahilan ng pagkasira ng mga nabanggit na generating units.
Upang mabigyan ng sapat na suplay ng kuryente, kinakailangan ng probinsya na magkaroon ng 11.40 megawatts.
Sa kasalukuyan ang kakayahan lamang na naibibigay na suplay ng kuryente ng NPC ay 7.15 megawatts.
Ibig sabihin kulang ng 4.24 megawatts o mahigit 40 porsiyento ang kailangang punuuan upang maging tuluy-tuloy ang suplay ng kuryente na maibibigay ng Marelco sa mga miyembro-konsumedores nito.
Matatandaan na noong Agusto 25, 2017 ay pinangunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang ceremonial turnover ng bagong 5×1.0 megawatts modular unit na aniya ay mapakikinabangan ng mga Marinduqueno sa susunod na limang taon.
Subalit sa kabila ng additional na generating units ay patuloy pa ring nararanasan ang paulit-ulit na pagkawala ng suplay ng kuryente sa buong lalawigan.
Narito ang eskedyul ng mga apektadong lugar:
[table id=16 /]
Bantayan ang mga update sa aming social media acccounts para sa mga lugar na isasailalim sa rotating brownouts sa mga susunod na araw. – Marinduquenews.com