BOAC, Marinduque – Magsasagawa ang Marinduque Electric Cooperative (Marelco) ng Barangay Power Association (BAPA) seminar at workshop sa darating na Agosto 25-26 sa Carmen, Brgy. Tamayo, Sta. Cruz, Marinduque na naglalayong paigtingin ang operasyon ng kooperatiba sa tulong ng mga miyembro-konsumidores sa mga malalayong barangay.
Itinatatag ang BAPA para sa lokal na pamamahala ng isang barangay na may mga itinatalagang opisyales upang sila mismo ang mangasiwa ng mga programa ng kooperatiba sa kanilang komunidad na kagaya nang sa operasyon ng Marelco gayundin ang pagsasagawa ng mga gawaing tulad ng meter-reading at collection, membership education, line-clearing at iba pa.
Sa loob ng dalawang araw, isasagawa ang seminar at workshop sa mga opisyales ng BAPA sa pangangasiwa ng mga kawani ng Marelco mula sa iba’t ibang departamentong namamahala sa mga gawaing ito. Kabilang sa mga unang naorganisang mga BAPA ay ang siyam na barangay, Haguimit, Kalangkang, Devilla, Tambangan, Masalukot at Makulapnit kasama na ang tatlong isla ng Polo, Maniwaya at Mongpong.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa mga numerong (+42) 332-2266 o +63906-327-1609.