Nakatakdang isagawa ng Baybayin, isang open access na peer-reviewed journal at tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga ninuno, Oktubre 12-14 sa Provincial Tourism and Agriculture Development Center, Tamayo, Santa Cruz, Marinduque ang 1st Baybayin Conference on Southern Tagalog na may paksang “Ugnayan ng mga Adyenda sa Pananaliksik ng mga SUC at HEI sa Calabarzon at Mimaropa.”
Layunin ng kumperensya na palakasin at paramihin ang mga mananaliksik sa rehiyon ng Southern Tagalog.
Sinabi ni Dr. Randy Nobleza, conference convener, “Sa puso ng kapuluan idaraos ang kauna-unahang konsultatibong kumperensya sapagkat nasa puso ng mga Marindukanon ang angking galing at talino sa sining at kultura, lalong-lalo na ang pagpapahalaga sa lokal na kultura at wika.”
Magiging katuwang ng Baybayin ang Bukluran ng mga Mananaliksik na Taga-ilog at Marinduque State College sa pagdaraos ng proyektong ito.
Kablilang sa mga tatalakayin ay ang Religious Studies and Education, Cultural and Heritage, Gender and Language, at Pop Culture and Technology.
Inaasahang dadalo sina Marinduque Gov. Carmencita Reyes, Santa Cruz Mayor Marissa Red-Martinez, Dr. Merian, Catajay-Mani, MSC president at Dr. Rodrigo Abenes, pangulo ng Bukluran ng Mananaliksik na Taga-Ilog.
Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tumawag kina Dr. Rodrigo Abenes sa 0947-544-7250 at Dr. Randy Nobleza sa 0917-2627-3078.
Mababasa rito ang kabuuan ng mga gawain.